Napuno na ng makukulay na palamuti at ilaw ang buong Robinsons Magnolia! ![]()
![]()
Bilang hudyat ng kanilang pagdiriwang ng kapaskuhan, inilawan na ng pamunuan ng Robinsons Magnolia at ni Mayor Joy Belmonte ang 40-feet christmas tree sa mall atrium.
Bukod kay Mayor Joy, nakiisa sina Barangay Kaunlaran Chairperson Christopher Cheng, at District 4 Action Officer Al Flores sa tree lighting ceremony ng mall na pinangunahan ni Robinsons Malls Business Unit General Manager/ Executive Vice President Faraday Go.
Nagbigay din ng regalo ang Robinsons Magnolia sa mga bata na tinutulungan ng Immaculate Conception Cathedral Foundation.








