Nilagdaan ngayong araw ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Quezon City Government at Philippine Institute of Civil Engineers, Inc (PICE) – Quezon City Chapter para sa proyektong “PICE QC Volunteer Building Inspection Program.”
Layon nitong ma-assess ang mga gusali sa lungsod upang malaman kung kailangan na itong ayusin o kumpunihin para maging handa sa lindol o anumang sakuna.
Sa pamamagitan nito, matitiyak na ligtas ang mga istruktura at maiiwasan ang anumang pinsala.
Kabilang sa mga lumagda sa kasunduan sina Mayor Joy Belmonte, City Engineering head at PICE President Atty. Dale Perral, Department of Building Officials head Engr. Isagani Versoza, Jr, at PICE 1st President Engr. Paulino Lazarte.








