International Bike to Work Day! ![]()
![]()
![]()
Ito ang ipinagdiwang ng Green Transport Office – DPOS sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “Bike to Work Day” activity para sa mga QCitizen, upang itaguyod ang paggamit ng bisikleta papunta sa trabaho. ![]()
Nais din isulong sa aktibidad ang benepisyo sa kalusugan ng pagbibisikleta, pagkakaroon ng environmental sustainability, at pagbawas ng carbon footprint o ng usok at kemikal sa hangin at kapaligiran.
Ginanap ang programa sa mga inilagay bike station malapit sa UP Technohub at sa Milestone Bldg., Aurora Boulevard, Katipunan. Namahagi ng repair kits, T-shirt, armbands, at pagkain sa mga siklista.
Ang programa ay pinangunahan ng Green Transport Office Chief Corazon Medes, kasama ang mga opisyal ng Green Transport Division.
Nakiisa dito sina District 3 Action Officer Atty. Tommy de Castro at Operation Officer Alexandria Darmawan sa Katipunan bike station. Dumalo rin si Assistant City Administrator for Operations Alberto H. Kimpo sa UP Technohub site.








